7/31/12

D.

tumutulay /tumutuloy sa mga hibla ng iyong pilikmata
ang mga butil ng ulan na iyong sinagupa
(tinahak, papunta sa akin) .


tumutulo / tumitila sa mga kurba ng iyong mata
ang mga butil ng luha ng pakikipagsagupaan
(patahak, papunta sa akin).


tumitila / tinutula
sa mga kurba ng iyong mga labi
hibla ng mga salita
tila butil ng ulan,
tumutulo tila luha,
nakikipagsagupa,
pangahas,
patakas,
patahak 
patungo
sa akin.


Tumila ka sa akin.




*Huling mga araw ng Hulyo. Maulan.